Nanatiling nakataas sa Signal number 1 ang ilang bahagi ng Luzon habang kumikilos pa kanlurang timog-kanluran ang Bagyong Neneng.
As of 5am ngayong araw, October 15, apektado ng storm signal ang Batanes, Cagayan kabilang ang Babuyan Islands, hilaga at silangang bahagi ng Apayao (Luna, Santa Marcela, Flora, Pudtol, Calanasan), hilagang bahagi ng Isabela (Santa Maria, San Pablo, Maconacon), at ang hilagang bahagi ng Ilocos Norte (Pagudpud, Bangui, Burgos, Pasuquin, Vintar, Dumalneg.
Makakaranas naman ng katamtaman hangang malakas na pag-ulan ang mga lalawigan ng Batanes, Cagayan kabilang ang Babuyan Islands, Apayao, Kalinga, Abra, Ilocos Norte at Ilocos Sur.
Samantala, sa pagitan ng sirkulasyon ng Bagyong Neneng at Hanging Habagat ay maaring magdulot ng paminsan-minsang pag-ulan sa kanlurang bahagi ng mimaropa at kanlurang Visayas.
Antabayanan ang update sa galaw ng Bagyong Neneng mamayang alas-11 ng umaga. —sa panulat ni Jenn Patrolla