(Updated:)
Nagdeklara na ng walang pasok ang ilang lokal na pamahalaan sa Luzon kabilang na ang Metro Manila.
Kabilang sa mga nag-anunsiyo ng “class suspension” ay ang mga sumusunod:
All Levels
- Manila
- Quezon City
- Pateros
- Pasay
- Pasig
- Valenzuela
- Malabon
- Taguig
- Parañaque
- Mandaluyong
- Makati
- Marikina
- Rizal Province
- San Juan
- Limay, Bataan
- Navotas
- Cavite
- Batangas
- Caloocan
- Abucay, Limay, Balanga Bataan
- Sta. Maria, Meycauayan, Hagonoy Bulacan
Pre-School hanggang High School
- Dagupan City, Pangasinan
- Samal, Bataan
- Muntinlupa City
- Subic, Zambales
Pre-School- Grade School
- Pilar, Bataan
Schools
- UE Manila
- UE Caloocan
- Fatima University (Antipolo)
Offices
- Admin offices sa UP Diliman
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Quezon City Mayor Herbert Bautista na inanunsiyo niya ang “class suspension” sa lahat ng antas ngayong araw bunsod pa rin ng masamang panahon.
“Bagamat medyo ok pa naman ng konti yung panahon, naniniguro tayo kasi yung habagat ‘di natin masukat, wala siyang signal so minabuti natin na i-suspend ang klase for both public and private institution.” Ani Bautista.
Maging si Pateros Mayor Joey Medina ay nagdeklara rin ng walang pasok sa lahat din ng antas sa kanyang bayan.
“Wala naman po tayong report ng mga pagbaha pero dito ang kadalasang binabaha yung mga nasa tabing ilog. Itong ating anouncement ay para maiwas na po sa panganib ang ating mga mag-aaral.” Pahayag ni Medina
By Jelbert Perdez | Ratsada Balita