Posibleng makaranas ng brownout ang ilang lugar sa Luzon dakong ala-1 hanggang alas-3 ng hapon.
Isinailalim sa red alert status ang Luzon grid dahil sa manipis na suplay ng kuryente.
Sa ilalim ng red alert status, posibleng magpatupad ng rotational brownout sa ilang mga lugar.
Alas-9 pa lamang ng umaga ay inilagay na sa yellow alert ang Luzon grid.
Batay sa anunsyo ng Department of National Grid Aorporation of the Philippines (NGCP), nasa 11,393 megawatts ang available capacity sa suplay ng kuryente samantalang nasa 11,117 ang peak demand.