Makararanas pa rin ng maaliwalas na panahon ang malaking bahagi ng Luzon pero may tiyansa ng mga pag-ulan, pagkulog at pagkidlat o mga thunderstorm sa hapon hanggang sa gabi.
Asahan pa rin na magiging maaliwalas ang panahon sa umaga ang bahagi ng Visayas at Mindanao pero malaki parin ang tiyansa ng mga thunderstorms sa hapon hanggang sa gabi.
Wala namang nakataas na gale warning ang PAGASA kaya’t malayang makakapalaot ang mga kababayan nating mangingisda at maliliit na sasakyang pandagat.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila ay maglalaro sa 25°C hanggang 33°C habang sumikat ang haring araw 5:28 ng umaga at lulubog naman ito mamayang 6:27 ng hapon.