Mahigpit na binabantayan ng mga awtoridad ang patuloy na pagtaas ng lebel ng tubig baha sa Mother Kabuntalan, Maguindanao.
Ayon kay Mother Kabuntalan Administrator Anwar Salik, karamihan ng bahay sa kanilang lugar ay nakataas na subalit nalubog ang ilan pang bahay kasama ang mga paaralan.
Sanay na aniya ang mga residente sa pagbaha dahil bagsakan aniya sila ng tubig mula sa North at South Cotabato, kaya’t kahit walang ulan sa kanilang probinsya ay nagbabaha sa kanila.
Sa ngayon aniya ay nagsisimula na ang lokal na pamahalaan ng pag re-repack ng relief goods para sa mga residente.
“Yung mga ninuno po natin sa Kabuntalan wala pong nangyayaring paglikas kapag may pagbaha, itong baha para sa amin ay isang blessing dahil ang mga tao sa Kabuntalan one of the source nila is fishing.” Ani Salik
Security
Samantala, mas mahigpit na ang ipinatutupad na seguridad sa Mother Kabuntalan, Maguindanao, simula nang ideklara ang Martial Law at nang magsimula ang pagbaha.
Ayon kay Salik, ito ay dahil mas malaki ang tiyansa na mayroong masasamang loob na sumabay sa kalamidad na dinaranas ng kanilang probinsya.
Nakiusap din si Salik sa mga residente na mag-ingat at sumunod sa mga iniuutos ng lokal na pamahalaan para sa kaligtasan at kapayapaan ng kanilang lugar.
“Mas lalong nag-ingat dahil sa panahon ng baha ay exit entrance kahit saan puwedeng pumasok ang masasamang loob, nagiging pabor ang aming bayan sa pagdeklara ng Presidente ng Martial Law sa buong Mindanao, at ito’y nakakabuti rin sa bayan natin.” Pahayag ni Salik
ByKatrina Valle | Ratsada Balita (Interview)
Pagbaha sa Kabuntalan Maguindanao mahigpit na minomonitor was last modified: June 1st, 2017 by DWIZ 882