Nakaranas ng pagkaantala sa suplay ng tubig ang ilang lugar sa Metro Manila at karatig lalawigan.
Ayon sa pamunuan ng Manila Water services, nagsimula ang pagkaantala sa suplay ng tubig, alas-10:00 kagabi na tumagal hanggang kaninang alas-5:00 ng umaga.
Kabilang sa mga naapektuhan ang ilang lugar sa Mandaluyong, Marikina, Quezon City, Antipolo at Rodriguez, Rizal.
Agad namang pinayuhan ang mga residenteng naapektuhan, na magtipid at panatilihin ang pag-iipon ng tubig habang nagsasagawa pa ng maintenance activity ang Manila Water.