Binaha ang maraming lugar sa Metro Manila matapos bumuhos ang malakas na ulan kagabi.
Ayon sa MMDA, kabilang sa binbaha ang Edsa Ortigas Service Road Southbound, Edsa Shaw Blvd. tunnel, Northbound Section, gutter deep, Edsa Aurora Blvd., Northbound Section, gutter deep, Quezon Avenue Biak na Bato, eastbound at westbound sections, gutter deep, Taft Avenue, Manila – Northbound at Southbound, gutter deep.
Maraming commuter ang stranded matapos bahain ang mga lansangan.
Alas siyete kagabi nang maglabas ng thunderstorm advisory ang PAGASA sa Metro Manila at kalapit na mga lalawigan na tumagal ng dalawang oras.