Binaha ang ilang bahagi ng Metro Manila ngayong Martes ng hapon matapos biglaang bumuhos ang malakas na ulan.
Ayon sa MMDA o Metropolitan Manila Development Authority, kabilang sa mga naapektuhan ng baha ang lungsod ng Quezon at Pasig.
Nakapagtala ng pagbaha sa EDSA – Ortigas, EDSA – Aurora Tunnel at EDSA – Main Avenue.
Samantala, gutter deep naman ang baha sa may Commonwealth at Zuzuarregui west bound sa Quezon City.
Dahil dito, bumagal ang daloy ng mga sasakyan at napilitan namang huminto sa tabi ang ilang light vehicle.
Ang naturang naranasang malakas na pag-ulan ay dulot ng thunderstorm na posible pang maulit sa mga susunod na oras.
By Ralph Obina