Pansamantalang mawawalan ng tubig simula ngayong araw hanggang Hunyo a-4 ang ilang lugar sa Metro Manila, Cavite at Bulacan.
Ayon sa Maynilad, apektado ng water interruption ang Barangay Mambog 5, Palico 4, Perpetual Village 7 sa Bacoor, Cavite at maraming Barangay sa Caloocan; Potrero, Malabon; Navotas; Quezon at Valenzuela City maging sa Meycauayan, Bulacan.
Ipatutupad ang water interruption tuwing alas-12 ng hatinggabi gabi hanggang alas-4 ng madaling araw.
Inabisuhan naman ng Maynilad ang mga maaapektuhang customer na mag-imbak ng tubig para may magamit sa araw na walang suplay.
Ang maintenance activity ng Maynilad ay naglalayong pahusayin pa ang water services sa West Zone.