Makararanas muli ng water interruption ang malaking bahagi ng Caloocan City at iba pang lugar sa Metro Manila at lalawigan ng Cavite, simula bukas hanggang linggo, Oktubre a – 30.
Ito, Ayon sa Maynilad, ay bilang bahagi ng kanilang isasagawang weekly maintenance activities para mapahusay ang water services sa West Zone Area.
Partikular na makararanas ng service interruption ang mga Barangay 8, 28, 31 86, 88, 90, 91, 112, 121 hanggang 125, 126, 127, 128, 129, 130 at 131 sa South Caloocan;
Barangay 18 at 20, 260 hanggang 267, 654, 655, 657, 658, 666 at 659-a sa Maynila; Barangay Sta. Monica, Nagkaisang Nayon, Sangandaan, Santo Domingo, Apolonio Samson, Bagbag, San Bartolome, Nova Proper, Pag-Ibig Sa Nayon at San Jose sa Quezon City;
Niog 2, Alima, Banalo, Digman at Poblacion sa Bacoor City at Bucandala 1, 3 at Carsadang Bago 2 sa Imus City, Cavite.
Hinimok naman ng Maynilad ang mga costumer nito na mag-imbak ng sapat na tubig upang magamit habang hindi natatapos ang maintenance activities.