Nagsagawa ng road reblocking sa ilang kalsada sa Metro Manila ang mga tauhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Batay sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), pansamantala munang isasara ang ilang mga kalsada upang simulan ang pagkukumpuni o pag-aayos ng mga nasirang kalsada na nagsimula na kaninang alas onse ng gabi.
Sakop ng road reblocking ang bahagi ng southbound innermost lane ng Edsa sa Guadalupe, Makati City mula Bernardino St. patungong Estrella.
Edsa Northbound sa Quezon City sa bahagi ng MRT Santolan Station paglagpas ng P. Tuazon flyover hanggang Aurora tunnel at paglagpas ng Aurora Blvd. hanggang New York gayundin sa paglagpas ng Kamuning/Kamias Road papuntang jac liner bus station C-5 Road Southbound 2nd lane sa Makati City.
Batasan Road IBP San Mateo Road intersection hanggang South gate ng House of Representatives; Visayas Avenue Southbound Road 10 patungong Elliptical Road; Visayas Avenue Northbound sa harap ng Shakey’s hanggang Tandang Sora Ave.
C-5 Road Pasig City mula Pasig Blvd. Southbound – Pineda at sa bahagi ng Doña Julia Vargas at Edsa-Quezon City Southbound mula sa Balingasa Creek patungong Oliveros Footbridge.
Muli namang ibabalik sa normal na operasyon ang nasabing mga kalsada sa Lunes, a-kwatro ng Hulyo sa ganap na alas singko ng umaga.
Samantala, pinapayuhan naman ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta upang hindi maabala.