Pansamantalang mawawalan ng kuryente ang ilang lugar sa Metro Manila at kalapit na lalawigan simula bukas, Disyembre 9.
Batay sa abiso ng Meralco, makararanas ng power service interruption ang ilang lugar bunsod ng mga nakatakdang maintenance work tulad ng line reconducting, line conversion, pagpapalit ng poste, paglilipat at paglalagay ng mga pasilidad.
Bukas, Disyembre 9, limang oras na mawawalan ng kuryente ang bahagi ng Diliman, Quezon City.
Habang simula 11 p.m. bukas hanggang 4 a.m. ng Martes, Disyembre 10, makararanas ng power interruption ang bahagi ng Caloocan at Navotas City.
Wala naman kuryente ang ilang bahagi ng Nayong Kanluran at Pansol sa Quezon City at Marikina sa Martes.
Gayundin sa Balingasa, Quezon City at iba pang bahagi ng Caloocan City mula gabi ng Martes hanggang Miyerkoles, Disyembre 11.
Pansamantala ring mawawalan ng kuryente ang ilang bahagi ng Makati City, Marikina, Pansol, Quezon City, at San Antonio at Tiaong sa Quezon Province sa Huwebes, Disyembre 12.
Magkakasunod namang makararanas ng power interruption ang bahagi ng Malabon, Caloocan, Valennzuela, New Manila, Quezon City, at Dasmariñas at Gen. Trias sa Cavite mula Huwebes hanggang Linggo, Disyembre 15.
Para sa kumpletong detalye ng maintenance schedule ng Meralco ngayong linggo bisitahin lamang ang kanilang website na www.meralco.com.ph.