Makakaranas ngayong araw ng water service interruption ang ilang lugar sa Metro Manila.
Sa anunsiyo ng Manila Water at Maynilad Water, makakaranas ng pagkaantala mamayang alas-10 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw ng Hulyo a-5 ang ilang lugar sa Barangay Pembo, Makati City dahil sa isasagawang line maintenance sa bahagi ng Target Range cor. Cactus ng nasabing lungsod.
Magkakaroon din ng line maintenance sa Union Lane cor. Comets Loop Barangay Blue Ridge B, Barangay Gulod, Barangay Nagkaisang Nayon, Sta. Monica, N. Domingo cor. Saint Paul Street, Barangay Horseshoe, sa Quezon City.
Maging ang Barangay Bagbaguin, Bignay, East Canumay, Gen. T. Deleon, Lawang Bato, Lingunan, Mapulang Lupa, Maysan, Parada, Paso De Blas, Punturin, Ugong, at West Canumay sa Valenzuela ay magkakaroon din ng pagkaantala sa suplay ng tubig.
Ganun din sa bahagi ng Barangay 165 hanggang 167 at Bagbaguin sa Caloocan City.
Maaantala din ang suplay ng tubig sa Barangay Almanza Uno, Pilar, Talon, Talon III hanggang V sa Las Piñas.
Apektado din ng water interruption ang Barangay Alabang, Ayala Alabang, Bayanan, Buli, Cupang, Poblacion, Putatan, Sucat at Tunasan sa Muntinlupa City.
Samantala, nakaranas din ng water interruption ang Barangay BF Homes, Don Basco, Marcelo Green, San Antonio, San Martin de Porres at Sucat sa Parañaque City.
Sa ngayon, patuloy na binabantayan ng MWSS Regulatory Office ang Manila Water at Maynilad Water sa kanilang isinasagawang mga aktibidad sa mga nabanggit na lugar.