Nag-anunsyo ang West-Zone Maynilad Water Services na makararanas ng water supply interruptions ang ilang lugar sa Metro Manila, Cavite, at Bulacan dahil sa mataas na demand sa Bagbag Reservoir, simula October 17 hanggang October 25.
Ayon sa Maynilad, hinihikayat ang mga apektadong kostumer na mag-imbak ng sapat na tubig kapag may supply.
Kabilang sa mga apektadong lugar ang Caloocan City, Makati City, Malabon City, Manila, Navotas City, Paranaque City, Pasay City, Quezon City, at Valenzuela City.
Samantala, mag-iikot ang mobile water tanker sa mga lugar para sa maiinom na tubig at maglalagay ng tangke. —sa panulat ni Jenn Patrolla