Pansamantalang mawawalan ng supply ng tubig ang ilang bahagi ng Metro Manila dahil sa nasirang pipeline ng Maynilad.
Ayon kay Maynilad Spokesperson Jennifer Rufo, ang nasirang pipeline ay nasa Pureza, Maynila na kasalukuyang lubog sa tubig.
Aksidente anyang tinamaan ang tubo ng isang private contractor ng drainage project sa naturang lugar.
Asahan na ang water interruption simula alas onse ng umaga bukas hanggang alas onse ng umaga sa Sabado.
Kabilang sa mga maaapektuhan ang mga lungsod ng Maynila, Pasay, Paranaque at Las Piñas.
Idinagdag ni Rufo na hindi pa mabatid kung gaano katagal ang pagsasaayos sa nasirang tubo.