Patuloy pa ring makararanas ng pagkaantala sa suplay ng tubig ang ilang lugar sa Metro Manila.
Sa abiso ng Maynilad water services, mawawalan ng suplay ng tubig ang Barangay Sangandaan, partikular na sa Benefits at Claims Street, maging sa kanto ng Engineering at Premium St. sa Quezon City.
Asahan din ang water interruption bukas, January 31 sa ilang lugar na sakop ng Brgy. Doña Imelda; Brgy. Salvacion at San Isidro; Brgy. San Bartolome, Brgy. Sauyo; Brgy. Damayan at Del Monte; Brgy. Bungad at Veterans Village; Brgy. San Antonio; Brgy. Nagkaisang Nayon; Nova Proper; Brgy. Bahay Toro; at Brgy. Apolonio Samson sa Quezon City.
Apektado naman ng pagkaantala sa suplay ng tubig ang Brgy. 93, 97, 98, 101, 105, 107, 108 at 121 sa Caloocan City.
Kasama din sa mawawalan ng suplay ang panulukan ng 8th street at 7th Avenue; Brgy. 22, 24, 27, 28 at 31; Brgy. 92, 94 hanggang 100; Brgy. 21 hanggang 31; Brgy. 86, 88, 90 at 91; maging ang Brgy. 152 at 153.
Samantala, apektado rin ng water interruption ang Brgy. Gen. T. De Leon; Mapulang Lupa; at Ugong sa Valenzuela City.
Nanawagan naman ang water concessionaire sa kanilang mga customer na panatilihin ang pag-iimbak ng tubig at maging handa sa biglaang pagkaantala ng water supply.