Posibleng ilagay na sa general community quarantine (GCQ) ang ilang lugar sa Metro Manila pagkatapos ng enhanced community quarantine (ECQ) sa May 15.
Ipinahiwatig ito ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año sa harap ng pagganda na ng sitwasyon sa ilang mga lugar tulad ng San Juan at Valenzuela City.
Gayunman, sinabi ni Año na depende pa rin ito sa resulta ng data analytics sa susunod na mga araw.
Halos sigurado naman si Año na mananatili sa ECQ ang Quezon City dahil sa mataas na kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa syudad.