Binaha ang ilang lugar sa Mindanao bunsod ng tuloy-tuloy na pagbuhos ng ulan dulot ng Intertropical Convergence Zone o ITCZ.
Batay sa ulat, nakaranas ng heavy thunderstorms ang General Santos City.
Gayundin ang dalang sama ng panahon sa Kidapawan City kaya ilang ilog ang umapaw dahilan para bumaha sa mga mababang lugar.
Nasira naman ang ilang kabahayan dahil sa lakas ng agos ng baha na may naaanod ng malalaking punong kahoy.
Nasira din ang tulay sa Bagumbayan, Sultan Kudarat, gayundin ang mga pananim rito.