Pansamantalang mawawalan ng supply ng kuryente ngayong unang linggo ng Abril ang ilang lugar sa Metro Manila at Laguna, bunsod ng line maintenance ng Meralco.
Kabilang ang ilang bahagi ng Navotas City sa mawawalan ng kuryente bukas, habang ang Makati City naman ay bukas at Miyerkules.
Sa Miyerkules din mawawalan ng kuryente ang ilang bahagi ng Biñan, at San Pablo Laguna, at Culiat, Quezon City.
Nasa listahan din ang ilang bahagi ng Muntinlupa City at Pasig City sa Huwebes at Biyernes.
Mawawalan naman ng kuryente ang ilang bahagi ng Diliman, Quezon City sa Linggo. – sa panunulat ni Charles Laureta