Binaha ang ilang lugar sa Metro Manila dahil sa patuloy na pag ulan dulot ng habagat na pinalakas pa ng Bagyong Fabian.
Ayon sa MMDA kabilang sa mga nakaranas ng gutter deep na pagbaha ang EDSA POEA southbound, EDSA Boni southbound, EDSA-Ortigas split northbound EDSA J. Vargas northbound, C5 Eastwood North At Southbound, C5 J. Vargas North at Southbound, C5 Ortigas Southbound, Roxas Boulevard Quirino Service Road, Rizal Avenue Recto, Roxas Pedro Gil, A. Bonifacio Sergeant Rivera, Aurora Araneta Westbound at E. Rodriguez Araneta North at Southbound.
Ipinabatid pa ng MMDA na pinalala pa ng high tide ang sitwasyon sa Roxas Boulevard.
Kabilang naman sa hindi maaaring madaanan simula kaninang maga-alas-9 ng umaga dahil sa hanggang tuhod na tubig baha ang UN Taft north at southbound, Taft National Museum Southbound at Maria Orosa Taft North at southbound gayundin ang bahagi ng T.M Kalaw Street sa Ermita, Maynila.