Nagdulot ng pagbaha ang malakas na pag-ulang naranasan sa ilang lugar sa NCR, dulot ng southwest monsoon o habagat.
Dahil sa gutter deep na baha, marami sa mga motorista ang nahirapang dumaan sa kahabaan ng España Boulevard.
Hindi naman alintana ng mga bata ang paglangoy sa kulay putik na tubig baha sa kasagsagan ng malakas na pagbuhos ng ulan.
Ilan naman sa mga residente ng Sampaloc, Maynila ang kanya-kanyang kuha ng kanilang mga gamit na inanod ng baha.
Habang napilitan namang tumigil pansamantala ang ilang mga sasakyan sa bahagi ng taft avenue dahil sa gutter-high na pagtaas ng tubig.
Samantala, dahil sa matinding sama ng panahon, nakaranas ng halos zero visibility ang mga lugar ng Buendia hanggang osmeña highway sa makati City, Commonwealth Avenue sa Quezon City, at sa lunsod ng Caloocan.