Nalubog sa baha ang ilang lugar sa Metro Manila dahil sa walang humpay na ulang dulot ng bagyong Jolina.
Ayon sa MMDA umabot sa apat na Metro ang taas ng tubig sa Roxas Boulevard – Quirino Service Road.
Nakaranas din ng gutter-deep na pagbaha sa kanto ng P. Burgos at finance road maging sa España Boulevard sa lungsod ng Maynila.
Hanggang tuhod naman ang tubig sa kanto ng Daang Hari at M. Naval;kanto ng daang hari at Governor Pascual sa Navotas.
Kabilang din sa nalubog ang Barangay Dampalit, Tenejeros, Catmon at Acacia sa Malabon.—sa panulat ni Drew Nacino