Iniulat ng Department of Health (DOH) na tumaas ang risk classification rate sa COVID-19 ng ilang lugar sa Metro Manila.
Inilagay sa moderate risk ang San Juan, Las Piñas, Maynila, at Makati, matapos na makapagtala ng positive one week at two-week growth rate.
Habang nasa low risk catagory naman ang Parañaque, Malabon, at Caloocan mula sa minimal risk, dahil sa positive 2-week growth rate.
Gayunman, sinabi ng DOH na nasa low risk pa rin ang occupancy rate ng mga ospital.
Paliwanag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kailangan pa ng isang linggong monitoring upang mabatid kung nagbago na ang trend ng COVID-19 cases.
Hindi naman aniya dapat na maalarma ang publiko hinggil dito, at sa halip ay dapat aniya na ipagpatuloy ang pag-iingat laban sa virus.