Posibleng makaranas ng black Christmas ang mga residente sa Northern Samar matapos manalasa rito ang bagyong Nona.
Ayon sa NGCP o National Grid Corporation of the Philippines, maaaring abutin ng ilang buwan bago tuluyang maibalik ang kuryente sa 23 bayan sa Northern Samar.
Target naman ng NGCP na maibalik sa December 21 ang power supply sa Catarman na siyang sentro ng kalakalan sa lalawigan.
Samantala, tumulong na rin ang ilang kooperatiba sa Eastern Visayas para agarang maibalik ang supply ng kuryente.
Una nang inihayag ng local officials sa catarman na 80 porsyento ng mga poste ng kuryente ang bumagsak dahil sa bagyong Nona.
By Judith Larino