Lubog sa baha ang maraming lugar sa Oriental Mindoro dahil sa walang tigil na pag-ulan dulot ng amihan at shear line.
Ayon kay Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Head Joery Gelario, isa na rin sa naging sanhi ng mabilis na pagbaha at pag-apaw ng tubig sa ilog.
Isolated na ang barangay san andres at masagana, umabot naman sa 581 ang bilang ng pamilyang inilikas sa bayan ng Baco ayon sa Municipal Social Welfare and Development Office.
Samantala, tiniyak naman ni Baco Vice Mayor Eric Castillo na pupunan ng lokal na gobyerno ang mga pangangailangan ng mga lumikas na residente.—sa panulat ni Mara Valle