Nakatakdang isailalim sa calibrated lockdown ang ilang lugar sa lungsod ng Parañaque.
Ayon sa alkalde ng lungsod na si Edwin Olivarez, ang naturang desisyon ay alinsunod sa rekomendasyon ng Barangay BF at ng health office ng lungsod.
Epektibo ang lockdown sa darating na Biyernes, ika-3 ng Hulyo, ganap na alas-6 ng umaga at magtatapos sa Linggo, ika-5 ng Hulyo sa ganap na alas-12 ng hating-gabi.
Iiral naman ang naturang lockdown sa mga sumusunod na lugar:
1. Clinicville
- Purok 1
- Purok 2
2. J. Marquez Compound,
3. Sampaloc 2
- Chico St.
- Apple St.
- Dalandan St.
- Kalamansi St.
4. Masville
- Aratiles 1
- Aratiles 2
- Purok 3
- Purok 3A,
5. Target Range 1
Kasunod nito, magsasagawa ng disinfection at pagsusuri ang lokal na pamahalaan ng Parañaque sa mga apektadong lugar sa Sabado, ika-4 ng Hulyo.
Samantala, siniguro naman ng pamunuan ng lungsod ng Parañaque na sila’y magbibigay ng essential items sa mga pamilyang maapektuhan ng naturang calibrated lockdown.