Inter-Tropical Convergence Zone (ITCZ) pa rin ang nakakaapekto sa bansa partikular na sa Maguindanao.
Ayon sa Pagasa Weather Bureau, apektado ng ITCZ ang Visayas lalo na sa Leyte Province, Southern Leyte, Palawan, kabilang na ang Kalayaan Islands at Occidental Mindoro bunsod na rin ng localized thunderstorms.
Asahan na uulanin ang bahagi ng silangan hanggang hilagang silangan ng Visayas.
Magiging maayos naman ang panahon sa Metro Manila pero hindi pa rin inaalis ang tiyansa na posibleng makaranas ng mga pag-ulan, pagkulog at pagkidlat lalo na sa hapon hanggang sa gabi.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila ay maglalaro sa 24°C hanggang 33°C habang sumikat naman ang haring araw kaninang 6:04 ng umaga at lulubog naman ito mamayang 5:24 ng hapon.