Pansamantalang mawawalan ng tubig ang ilang barangay sa Quezon City.
Ayon sa Quezon City Local Government, magsisimula ang water interruption alas-10 bukas na magtatagal hanggang alas-4 ng madaling araw ng Hunyo a-3.
Ang mga lugar na maaapektuhan ay ang Elliptical Road sa harap ng PHILCOA, kanto ng Masaya Street, Commonwealth Avenue at kanto ng P. Tuazon at San Gabriel Street, Barangay Horseshoe.
Payo naman ng LGU sa mga residenteng maaapektuhan na mag-imbak na ng suplay ng tubig.