Ilang lugar sa Bicol at Visayas region ang nakararanas ng hanggang dibdib na baha dahil sa pag-ulan bunsod ng bagyong Paeng.
Ayon sa Office of Civil Defense Region 5, sa Camarines Sur, umabot na sa 17 barangay sa Libmanan ang apektado ng hanggang tuhod na baha habang hanggang baywang naman sa Barangay Agustin sa bula.
Dahil dito, pinasok na ng tubig-baha ang ilang kabahayan sa lugar.
Mahigit 100 katao naman sa Libmanan at Calabanga ang inilikas mula sa mga lugar na prone sa landslide at pagbaha.
Sa Barangay Poblacion, Aklan, umabot na rin sa tuhod ang lalim ng baha kung saan apektado na ang kabahayan.
Ilang kalsada naman sa Barangay Tumalalod sa Mabuso, Capiz ang pansamantalang hindi madadaanan dahil sa pagbaha.
Sa datos ng pagasa posibleng mag-landfall o dumaan lamang sa malapit na bahagi ng Catanduanes ang bagyo bukas ng umaga.