Binaha ang ilang lugar sa Leyte, Samar at Tacloban matapos bumuhos ang malakas na ulan dulot ng low pressure area.
Partikular na nakaranas ng matinding pagbaha ayon sa Office Of Civil Defense-Region 8 ang Barangay Suhi sa Tacloban, Quinapondan sa Eastern Samar at Palo sa Leyte.
Hindi rin nadaanan ng four wheel vehicles ang Marabong bridge sa Burauen, Leyte matapos gumuho ang gilid na bahagi ng nasabing tulay.
Ang walang humpay na pag ulan ay nagdulot din ng pagka-stranded ng maraming pasahero sa bahagi ng Eastern at Northern Samar.