Ilang lugar sa Visayas ang nakaranas ng mga pagbaha sa kasagsagan ng pagsalubong ng bagong taon.
Una nang sinabi ng PAGASA, na dahil sa tail end of a cold front kaya nakaranas ng sama ng panahon ang ilang mga lalawigan sa bansa.
Base sa ulat, 10 barangay ang naapektuhan ng pagbaha sa bahagi ng Victorias, Negros Occidental.
Aabot naman sa 400 pamilya ang kinailangang ilikas doon, kung saan ang iba sa mga residente ay umakyat na sa bubong habang naghihintay ng rescue.
Samantala, nasa 100 pamilya naman sa Silay City ang pansamantalang nananatili sa evacuation center matapos na tumaas ang tubig sa kanilang mga lugar.