Ligtas sa red tide toxins ang tubig sa baybayin ng Cavite, Las Piñas, Parañaque, Navotas, at Bulacan.
Ito ang tiniyak ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) matapos ang pinakahuling pagsusuri katuwang ang mga local government units.
Samantala, nananatili pa rin sa paralytic shellfish poison ang Puerto Princesa bay, Puerto Princesa City Palawan, Irong-irong sa Western Samar, Silanga bay at San Pedro bay sa Western Samar, coastal water ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol, at coastal water ng Bataan.
Positibo na rin sa red tide toxins ang coastal waters ng Pampanga at coastal water ng Sual, Pangasinan.