Walong lungsod sa Metro Manla at mahigit 20 pang lugar ang isinailalim ng DOH sa alert level 4 dahil sa mataas na kaso ng COVID-19.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang alert level 4 ay nangangahulugan na ang isang lugar ay pasok sa moderate to critical risk at nasa 70% pataas ang healthcare utilization rate.
Sinabi ni Vergeire na kabilang sa alert level 4 ang Las Pinias, Muntinlupa, Pateros, Quezon City, Taguig, Malabon, Makati at San Juan.
Kasama rin sa alert level 4 ang ilang lugar sa Cordillera Region at Regions 1, 2, 3, 4A, 6, 7, 8, 10, 11 at 12.