Dinampot ng Mandaluyong Police ang 60 menor de edad sa labas ng kanilang tahanan dahil sa umano’y paglabag sa curfew ordinance.
Matapos ma-detine ay pinaalalahan din ng mga pulis ang mga magulang hinggil sa code of responsibility na ipinatutupad ng lungsod.
Sa Taguig City, 7 menor de edad din ang idinetine dahil sa kahalintulad na paglabag.
Mahigit 20 kabataan naman ang pinagdadampot ng Quezon City Police dahil pa rin sa paglabag sa curfew mula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng umaga.
Posibleng ipatawag ng barangay ang mga magulang ng mga nahuling menor dedad para isalang community service dahil sa kasalanang ginawa ng kanilang mga anak.
By Jelbert Perdez