Pansamantalang nawalan ng supply ng tubig ang ilang bahagi ng Metro Manila at Cavite ngayong araw.
Ito’y kahit pa maraming ulan ang bumuhos sa mga nakalipas na araw dahil sa bagyong Ompong.
Ayon sa Maynilad, hindi naging maganda ang kalidad ng tubig sa Ipo dam dahil sa bagyo kaya’t nagbawas sila ng supply na dumaraan sa water-treatment plant.
Simula alas tres kaninang madaling araw hanggang alas tres mamayang hapon ang water supply interruption habang mababang pressure ang nararanasan sa barangay 33, 34, 187 hanggang 193 sa lungsod ng Maynila; Magallanes sa Makati, ilang barangay sa Las Piñas, Pasay at Parañaque tulad ng Baclaran at Moonwalk; Veterans Village, Bahay Toro, Katipunan, Maharlika, Sangandaan, Sauyo at Tandang Sora sa Quezon City.
Apektado rin ang ilang barangay sa Navotas, Malabon, Caloocan, Bacoor at Imus sa Cavite.