Maaga nang inani ng mga magsasaka sa Hilagang Luzon ang kanilang mga pananim na mais bago pa ito maapektuhan ng mataas na temperatura.
Ito ay dahil nagsisimula nang maramdaman sa ilang bahagi ng bansa ang epekto ng El Niño partikular na sa Laoag City, Ilocos Norte.
Ayon naman sa ilang magsasaka ng kamote, maaga na rin nilang inani ang kanilang mga pananim dahil sa mga peste na dulot ng kakulangan ng supply ng tubig at mainit na panahon.
Samantala, bumuo na ng task force ang Albay Provincial Agricultural Office na tututok sa epekto ng El Niño na nagsisimula nang ring maramdaman sa lalawigan.
—-