Lehitimo nang landowners ang nasa siyam na pu’t siyam (99) na magsasaka sa Batangas.
Ito’y matapos igawad sa mga ito ng Department of Agrarian Reform o DAR ang kanilang electronic land titles o e-titles at certificates of land ownership award o CLOAs.
Ayon kay DAR Undersecretary for Field Operations Office Kazel Celeste, halos isang daang ektarya ng lupa (98.7) ang naipamahagi ng ahensya sa probinsya.
Ngayong hawak na nila ang titulo, nangako naman ang mga magsasaka na aalagaan at tutuparin nila ang kanilang responsibilidad at obligasyon bilang mga benepisyaryo.