Limampu’t anim (56) na magsasaka sa Hinigaran, Negros Occidental ang pinakahuling nabibiyayaan ng Cloas o Certificates of Land Ownership Award mula sa Department of Agrarian Reform o DAR sa probinsya.
Sa turn-over ceremony, muling tiniyak ni Municipal Agrarian Reform Program Officer Marilou Tubesa ang suporta ng gobyerno para sa mga Agrarian Reform Beneficiaries o ARBS.
Dahil dito, paghahati-hatian ng mga farmer-beneficiaries ang halos tatlumpu’t anim (36) na ektarya ng lupain sa Barangay Aranda sa nabanggit na bayan.
Naigawad sa mga magsasaka ang mga lupain alinsunod pa rin sa CARP o Comprehensive Agrarian Reform Program.