Umiiwas na sa paggamit ng pataba ang karamihan sa mga magsasaka dahil sa mataas na presyo nito.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Co-Convenor Leonardo Montemayor ng bayanihan sa agrikultura na ito ay dahil umabot sa mahigit 3,000 piso kada bag ang urea fertilizer noong nakaraang taon mula sa 1,000 piso.
Nanawagan naman si Montemayor na gawan ng paraan ng pamahalaan ang subsidiya sa pataba.