Ilang mga estudyante at magulang, hati ang opinyon sa pagbabago ng school calendar
Hati ang pananaw ng ilang mga mag-aaral at magulang sa muling pagbabago ng school calendar sa mga pampublikong paaralan sa bansa.
Ito’y matapos ianunsiyo ng Department of Education na unti-unti nang ibabalik ang dating school calendar kung saan hunyo ang simula ng klase habang papatak naman ng Abril – Mayo ang bakasyon.
Ayon sa isang estudyante ng Ramon Magsaysay High School, panibagong adjustment na naman ito para sa kanila.
Gayunpaman, pabor sa ilang mga magulang ang pagbabalik sa dating school calendar upang makaiwas umano ang mga mag-aaral sa sobrang init na panahon.
Giit pa ng mga magulang, kawawa ang mga estudyante dahil bukod sa mainit na classroom, nakakadagdag din sa init ang pagsisiksikan ng mga ito.- sa panunulat ni Kat Gonzales