Nanatili pa ring prayoridad ng Kongreso ang ilang mahahalagang batas kahit pa hindi nabanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang ikalawang SONA o State of the Nation Address noong Lunes.
Kabilang sa mga ito ay ang tuluyang pagsupil sa endo o kontraktuwalisasyon, dagdag na sahod sa mga manggagawa ng pamahalaan na tututukan sa ikalawang regular na sesyon ng ika-17 Kongreso.
Kapwa target ng Kamara at ng Senado ang pagpapatibay sa endo at sa SSL o Salary Standardization Law 4 sa unang tatlong buwan ng 2nd regular session.
Maliban dito, target din ng dalawang kapulungan na maipasa ang mga panukalang Traffic and Congestion Crisis Act, National ID System, Anti-Terrorism Law, Mental Health Bill, National Land Use Bill at ang Comprehensive Tax Reform Measure.
- Jaymark Dagala