Tinalakay sa bilateral meeting nina Pangulong Rodrigo Duterte at Japanese Prime Minister Shinzo Abe sa sidelines ng 35th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Thailand ang ilang mga isyu kabilang ang defense cooperation at infrastructure support.
Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, nabangit ng pangulo kay Abe ang full implementation ng ASEAN-Japan Agreement on Technical Cooperation kung saan makatutulong para mapalakas ang capacity building.
Gayundin ang implementasyon ng ASEAN-Japan Comprehensive Economic Partnership para naman sa mas maayos na kalakalan at pamumuhunan.
Kasabay nito kinilala ng Pangulo ang kontribusyon ng Japan at pagiging mahalagang katuwang nito sa ASEAN para sa lahat ng aspeto ng kaunlaran.