Limang kasalukuyan at dating mahistrado ng Supreme Court ang nagpahiwatig ng kanilang kahandaang sumalang sa proceeding ng Kamara sa impeachment complaint laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Ayon sa source ng DWIZ patrol na tumanggi munang magpabanggit ng pangalan, kahit wala pang subpoena na inisyu ang Kamara para sa pagdalo ng mga hindi pinangalanang Associate Justice ay pinag-aaralan na ng mga ito ang isinampang reklamo laban kay Sereno.
ahit siya kung ipa-subpoena ng Kamara ay handa rin siyang tumestigo laban sa punong mahistrado kaugnay ng mga nalalaman niya umanong paglabag nito sa hudikatura.
Sinabi pa ng source na batay sa kanyang pagkakaalam na magsisimula ang impeachment proceeding laban kay Sereno, bukas, September 13.
Matatandaang sinampahan ng impeachment complaint ni Atty. Larry Gadon si Chief Justice Sereno dahil sa ibat-ibang klase umano ng paglabag partikular ang hindi pagbabayad ng buwis;
Maging ang hindi pagdedeklara ng tamang Statement of Assets, Liabilities and Net worth hinggil sa kanyang tunay na kinita noong magsilbing abogado ng Philippine International Air Terminal Company o PISTCO.
Ulat ni Bert Mozo
SMW: RPE