Inanunsyo na ng ilang mga pangunahing mall sa Metro Manila ang pagpapatupad ng adjusted mall hours at early mall closure dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Tugon ito ng mga pamunuan ng mga mall sa mungkahi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) hinggil sa pansamantalang pagsasara kasabay ng implementasyon ng community quarantine sa Metro Manila.
Kasama sa mga nag anunsyo ng early mall closure ay ang Ayala Malls, BGC Malls, Robinsons Malls, at Ortigas Malls.
Ayon sa kanilang pamunuan, Isasara ang kanilang mga mall sa loob ng Metro Manila Simula 7 p.m. ngayong gabi, Marso 14.
Samantala, ipapatupad naman ang adjusted mall hours (11 a.m. hanggang 7 p.m.) ng SM Supermalls simula sa Linggo, Marso 15.