Nagsimula nang ipatupad ang 25 degrees Celcius na temperatura sa mga air conditioned unit sa ilang mall sa Metro Manila.
Kasunod ito ng panawagan ng Department of Energy (DOE) na ipako sa 25 degrees Celcius ang temperatura ng mga aircon upang makatipid sa kuryente.
Nanguna dito ay ang Robinsons Mall habang nakikipag-cooperate na rin sa DOE ang Ayala Malls.
Nagpahayag na rin ang SM Malls ng pakikiisa sa energy conservation.
By Rianne Briones