Pansamantalang magsasara ang ilang mga malls sa Metro Manila sa gitna na rin ng banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) at pagpapatupad ng community quarantine.
Batay sa anunsyo ng Ayala, SM at Robinsons, epektibo ngayong araw ang tigil operasyon ng lahat ng kanilang mga malls.
Habang kahapon naman nagsimula ang temporary closure ng Greenhills at Power Plant Mall sa Makati.
Ayon sa pamunuaan ng mga nabanggit na malls, magpapalabas na lamang sila ng abiso kung kailan sila muling magbubukas.
Samanatala, mananatili naman anilang bukas ang ilang mga piling tindahan na nasa loob ng kanilang mga malls tulad ng grocery at drug stores.