Nagpahayag ng pagkabahala ang ilang mamamahayag sa naganap na biglaang pagbisita ng isang nakasibilyang Pulis sa bahay ng journalist na si JP Soriano upang alamin kung nakatatanggap ito ng anumang banta sa kanyang buhay bilang isang mamamahayag.
Ito’y kasunod ng pagpatay sa radio broadcaster na si Percy Lapid.
Kung saan, batay sa opisyal na Facebook account ni Soriano, sinagot naman niya ang naturang Pulis na wala siyang natatanggap na banta.
Ngunit hiningan umano siya ng litrato para sa dokumentasyon, pero tumanggi siya at agad na iniulat sa otoridad ang nangyari.
Kaugnay nito agad namang humingi ng paumanhin si National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Brig. Gen. Jonnel Estomo, matapos na magdulot ng takot at alarma ang nasabing pagbisita.
Paglilinaw nito paraan lamang aniya ito ng pulisya upang makapagbigay ng security assistance sa mga mamamahayag at kanilang pamilya kung kakailanganin.