Hinatulan ng habambuhay na pagkakabilanggo ng isang korte sa Turkey ang anim na mamamahayag at iba pang media professionals dahil sa pagkakasangkot sa kudeta.
Kabilang sa mga pinatawan ng life sentence sina journalists Ahmet Altan, Mehmet Altan at Nazli Ilicak.
Maliban dito, ginawaran din ng katulad ng sentensiya sina Fevzi Yazici, Yakup Şimşek at Şükrü Tuğrul Özşengül, kapwa nagtatrabaho sa mga pahayagan at telebisyon na may kaugnayan kay US-based Turkish Cleric Fethullah Gullen.
Ayon sa hukuman, konektado sila sa kilusan ni Gullen na sinasabing nasa likod ng bigong pag-aaklas ng mga sundalo noong July 2016.
Ipinalabas ang desisyon ilang oras matapos palayain ng Istanbul si Deniz Yucel, reporter ng Die Welt Newspaper na nakabase sa Germany.
—-