Natutulog na sa tabing kalsada ang ilang mamamayan na apektado ng malawakang pagbaha sa San Mateo, Rizal dahil sa pananalasa ng Bagyong Ulysses.
Nabatid na apat na araw nang namamalagi roon ang mga residente ng Barangay Banaba.
Umaapela naman ng tulong ang mga biktima ng baha tulad ng pagkain, tubig, damit at tulugan.
Samantala, inihayag ni San Mateo Acting Mayor Paeng Diaz na posibleng isailalim na sa state of calamity ang kanilang bayan dahil sa matinding pinsalang inabot nito sa pananalasa ng bagyo.
Sa l15 barangay aniya ay nasa 10 ang lumubog sa tubig-baha.