Nanawagan ang ilang mambabatas sa mga paliparan, paaralan at mga barangay na kumilos kasunod ng measles outbreak sa ilang bahagi ng bansa.
Ayon kay Bagong Henerasyon Party list Rep. Bernadette Herrera-Dy, kailangang maging mahigpit ang pagpapatupad ng aviation protocol sa pag-i-screen ng mga pasahero para mapagilan ang pagkalat ng naturang sakit.
Kasunod ito ng kumpirmasyon ng DOH o Department of Health na may lumusot na isang batang Pilipino na may tigdas ang nakapag byahe sa Australia.
Nanawagan naman si Aangat Tayo Party list Rep. Harlin Neil Abayon sa DepEd o Department of Education na i-deploy ang 2,000 school nurses para maiwasan ang measles outbreak sa mga paaralan.